Skip to main content

CHARIOT VEHICLE AT HANDWASHING FACILITY MATAGUMPAY NA PINASINAYAAN!

Muling pinatunayan ng administrasyon ng Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera na patuloy na kabalikat ng bawat eskwelahan, guro at mga estudyante ang lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng edukasyon, dahil sa araw na ito’y ipinagkaloob ang unang bahagi mula sa inisyatibo ni Mayor V para matugunan ang higit na pangangailangan ng bawat isa ngayong nahaharap tayo sa matinding krisis na dulot ng pandemya.

Unang ipinagkaloob ang mga Hand-Washing Facility sa Loyola College of Culion (LCC), Culion National High School (CNHS), Balala Elementary School (BES), at Culion Elementary School (CES) samantala ang mga chariot vehicle ay pinamahagi sa paaralan ng Culion National High School (CNHS) Halsey Elementary School at Abud-Abod Elementary School, Culion Elementary School at Balala Elementary School.

Lubos ang tuwa’t pasasalamat ng mga paaralan sa tuloy-tuloy na tulong na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan. Pinasasalamatan din ang ating mga Sangguniang Bayan Members sa pagbibigay ng buong suporta sa mga programa ng administrasyon. Kabilang ngayong araw sa pag dalo ng nasabing programa sina Municipal Administrator Maxim Raymundo, Ms. Maria Mirasol Pastrano, SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Solas, SB Dayandante, ABC-President Nakachi at SK Daco.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan