
CLEAN UP DRIVE “OPLAN SABAYANG PAGLILINIS”, ISINAKATUPARAN!
Inatasan ni Mayor V ang lahat ng opisina at Poblacion Barangays na magsagawa ng sabayang paglilinis ng mga baybaying dagat, kalsada at mga kanal na kung saan maraming basura ang naiimbak dahil narin sa maling pagtatapon nito na nagiging dahilan ng hindi maayos na pagdaloy ng tubig ulan na nagdudulot ng pagbaha sa ating mga kalsada. Ang inisyatibong ito ay paghahanda narin sa paglapit ng buwan ng tag ulan na kung saan ay inaasahan ang mga pagbaha, pagtaas ng tubig dagat at pagguho ng lupa. Malaki rin ang maitutulong nito upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue at malaria sa ating kumunidad. Tuwing ikatlong buwan (quarterly) ay isasagawa ang “OPLAN SABAYANG PAGLILINIS” upang mapanatili ang kalinisan sa ating bayan.
Sa pangunguna ng MDRRMO naging matagumpay ang “OPLAN SABAYANG PAGLILINIS” sa ating bayan. Ang lahat ay nakiisa sa ating adhikain upang maging malinis ang ating kapaligiran hindi lang ngayon kundi sa mga darating na araw, buwan, at mga taon. Sana’y maipasa naten ang ganitong kaisipan sa ating mga kababayaan.
Mula sa ating mahal na punong bayan Mayor V ang taos puso na pasasalamat sa mga nakiisa sa ating hakbang tungo sa isang malinis, maayos at magandang pamayanan.
#malinisnahakbang
#oplansabayangpaglilinis2k22
#abanteculion