
Covered Court for Youth
COVERED COURT PARA SA KABATAAN NG BES AT JARDIN.
Isang Covered Court nanaman ang ipinapatayo ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Punong Bayan Mayor V. Ang kasalukuyang ginagawa sa (BES) Balala Elamentary School Barangay Jardin. Ito ay nai-award sa First R+J Builders sa halagang Php. 4,436,053.74, na nanggaling sa 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan.
Malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto lalo na sa ating mga kabataan upang mas mapa lawig ang kanilang talento sa larangan ng sports. Patuloy ang pag bibigay ng proyektong malasakit ni Mayor V. sa bayan ng Culion.