Skip to main content

COVERED COURT PARA SA ATING MGA KABABAYAN SA BARANGAY HALSEY

Tingnan!
COVERED COURT PARA SA ATING MGA KABABAYAN SA BARANGAY HALSEY
Malugod pong ipanapabatid ng ating lokal ng pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Virginia N. De Vera at sa tulong ni Governor Jose Chavez Alvarez Province of Palawan ay isang Covered Court ang muling maisasakatuparan para sa ating mga kababayan sa Barangay Halsey.
Malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto lalo na sa ating mga kabataan sa pagpapalawig sa larangan ng sports na magsisilbing instrumento upang maiwas sila sa masasamang bisyo lalo na sa droga. Isa rin sa nais ni Mayor V na mabigyan ng maayos na lugar para sa mga aktibidades ng iba’t ibang sektor hindi lamang sa nasabing sa barangay kundi para sa buong bayan. Hindi hadlang ang pandemya upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng proyektong malasakit ni Mayor V sa bayan ng Culion.
#AbanteCulion
#IHEALCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan