Skip to main content

COVERED COURT SA ILALIM NG PROGRAMANG IMPRASTRAKTURA NI MAYOR V NAISAKATUPARAN PARA SA BARANGAY JARDIN!

TINGNAN: COVERED COURT SA ILALIM NG PROGRAMANG IMPRASTRAKTURA NI MAYOR V NAISAKATUPARAN PARA SA BARANGAY JARDIN!
Nito lang Agosto 25, taong kasalukuyan ginanap ang blessing at turn-over ceremony sa pangunguna ng ating butihing Mayor V, kasama din sa mga dumalo ang ating Former Governor Joel T. Reyes, Mayor. Marjo T. Reyes, Former SB. Rica Reyes upang tanggapin ang pagpapangalan ang itinayong Covered Court ang Lualhati Tolentino Reyes na pinamumunuan ni kapitan. Clairmont Ubay kasama ang kanyang Sangguniang Barangay.
Ito ay pinunduhan mula sa 20% Development Fund ng Pamahalaang Lokal sa ilalim ng Programang Imprastraktura ni Mayor V.
Isang proyektong pamana ni Mayor V para sa ating kabataan at sa susunod na henerasyon para maipamalas ang talento at pagpapalawig sa larangan ng sports. Ito rin ang maging daan para makaiwas sa masasamang bisyo lalong lalo na ang droga. Malaki ang maitutulong nito dahil sa maayos at komportable ang pagdaraosan ng ibat – ibang aktibidades para sa mga Sektor, NGO, Barangay at buong bayan ng Culion.
Patuloy ang proyekto na tayong lahat ang makikinabang mga positibong layunin para sa ikakaunlad ng imprastraktura para sa pag abante ng Culion.
#CoveredCourtbrgyJardin
#imprastraktura
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan