Skip to main content

COVID-19 VACCINE UPDATE: 1ST BATCH NG COVID-19 VACCINE PARA SA CSGH FRONTLINERS DUMATING NA!


Araw ng biyernes, March 5, 2021, ang ka una-unahang COVID-19 Vaccine ay dumating na sa ating bayan sa pamamagitan ng Provincial Government of Palawan, ang mga bakuna na mayroong 250 vials ang isinakay sa private plane ng ating Mahal na Governador Jose Ch. Alvarez upang agarang maihatid sa Bayan ng Culion.
Ang mga nasabing bakuna ay para sa Culion Sanitarium and General Hospital para sa ating mga magigiting na frontliners at kung saan ito ay malugod na tinanggap ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera kasama ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan, DOH at CSGH.
Nagpapakita lamang ito ng kahandaan at may maayos na plano ang Pamahalaang Panlalawigan upang pangalagaan ang ating probinsya at nasasakupan upang maibalik sa normal na buhay.
#covid19vaccine
#PGPcares
#salamatJCA
#salamatPGP
#aksyonatmalasakit
#AbanteCulion


Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan