COVID LOCAL RECOVERY PLAN UPDATES: IKA-ANIM NA BAHAGI NG PAMAMAHAGI (FISHING GEARS INPUT) HANDOG SA MGA MANGINGISDA!

Ngayong araw muling namahagi ang ating Mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ng ayuda sa ating mga mangingisda na nasa poblasyon, ang nasabing pamamahagi ay naganap noong araw ng Agosto 17, 2020 sa Balala Covered Court (Bayanihan) katuwang ang ilang Sangguniang Bayan Members na sina SB Cunanan, SB Solas, SB Ballesca at SK Daco.

Ang mga nasabing Barangay sa poblasyon ay mula sa Brgy. Osmeña na may 20 benepisaryo, 14 mula sa So. Chindonan, Brgy. Libis, 3 mula sa Brgy. Baldat at 4 mula naman sa Brgy. Jardin. Labis ang katuwaan ng ating mga mangingisda dahil sa ayudang kanilang natanggap mula sa lokal na pamahalaan ang agarang aksyon at solusyon sa hanay ng mga mangingisda na apektado ng pandemya (COVID-19).

Muling pinatunayan ng ating lokal na pamahalaan na nasisigurong nasasagot ang bawat hinaing ng ating mamamayan at patuloy ang pag hahatid ng serbisyong totoo.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!