
COVID RECOVERY PLAN UPDATES: BIIK AT LAMBAT IPINAMAHAGI SA BARANGAY LUAC!
Sa pag papatuloy ng pag iimplementa ng Local Recovery Plan bilang tulong sa ating mamamayan na bahagi parin ng pagtugon sa kanilang mga kahilingan na lubos na naapektuhan ng pandemya ang kanikanilang kabuhayan at hanap-buhay.
kahapon, sa Brgy. Luac namahagi ang ating butihing Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera kasama ang ilang Sangguniang Bayan na sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Astor, SB Ballesca, SB Dayandante, SB Alcantara, SK Daco at ilang kawani ng pamahalaan.
Biik at lambat ang ipinamahagi kung saan mayroong mahigit 20 benepisaryo ng biik at 11 lambat na benepisaryo ang ipinamahagi sa nasabing barangay. Muling mag papatuloy ang mga ganitong gawain ng ating lokal upang matugunan ang mga kababayan natin na muling makabangon sa krisis na dinaranas. Mensahe ni Mayor V, hindi siya mag sasawang tumulong at tuparin ang kaniyang mga pangko bilang isang halal na lingkod bayan na umabante ang Isla ng Culion, hiling lamang niyang pagyamanin at pahalagahan ang mga biyayang pinagkaloob ng lokal na pamahalaan upang ang bawat isa ay umasenso sa buhay.