CSGH Patient from Coron Municipality Tested Positive for Corona Virus (August 22, 2020)

O P I S Y A L N A P A B A T I D

Isang pasyente ng CSGH mula sa Munisipyo ng Coron ang naging positibo sa Corona Virus ayon sa opisyal na report na inulat ng CSGH ng gabi ng August 22, 2020.

Ang kasama ng nasabing pasyente ay nagkaroon ng contact sa mga residente ng ating bayan particular sa Poblacion.
Dahil dito, isinasailalim sa total lockdown ang lahat ng barangay sa Poblacion (Balala, Libis, Tiza, Culango, Osmeña, Jardin at Baldat) at kasama ang pansamantalang pagsasara o pagbabawal ng mga sumusunod:

1. Lahat ng commercial na establisimento

2. Lahat ng Public Transport (Dagat at Lupa)

3. Lahat ng uri ng mass gathering

4. Lahat ng aktibidades ng turismo
Mahigpit din na ipinagbabawal ang paglabas ng kani-kanilang mga tahanan. Makipag-ugnayan sa inyong mga barangay sa pangangailangang “essential”, emergencies at medical.

Ang buong bayan ay sasailalim sa total lockdown sa loob ng 24 hours mula 8:00 pm ng August 22 hanggang 8:00 pm ng August 23 na maaari pang palawigin ng lokal na pamahalaan depende sa rekomendasyon ng MIATF-Tracing Team.

Ang lahat ay inaasahan na makiisa at sumunod para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Sama-sama ay malalagpasan natin ang pag-subok na ito. Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!