Dengue Prevention Action ng Bayan ng Culion!

Inatasan ni Mayor V ang ating RHU Team na isagawa ang Misting Operation sa buong bayan ng Culion sa pangunguna ni Dr. Israel Zantua at Sanitary Inspector Oliver Juan. Ang Misting Operation ay isang istratihiya upang maiwasan ang sakit na dengue. Nakiisa din ang ating Sangguniang Bayan Member Hon. Felford Jun Solas, Chairman ng Committee on Health. Kasabay ng Misting Operation ang ibat ibang malawakang clean up drive sa ibat ibang lugar. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang tanggapan ng Kalusugan Region CHD IV-B.

Pinaikot din ni Mayor V ang Team Abante Culion sa pangunguna ng ating Administrator Max Raymundo ang lahat ng mga public facilities upang matugunan ang mga potensyal na pagmulan ng dengue na sya ding naging daan upang maisaayos ang ating Dengue Prevention Plan.

#AbanteCulion
#SulongKalusugan
#HilomCulion
#WorkingMayor
#IHEAL

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!