Skip to main content

Department of Agriculture: Distribution of Poultry Stocks, Palay Seeds, Seedlings

Nakilala ang ating Punong Bayan Mayor Ma. Virginia Nacachi De Vera bilang isang masigasig na administrasyon pag dating sa pag papaunlad sa ating bayan. Ang naganap na aktibidades nitong biyernes ay bunga ng masigasig niyang pakikikipag ugnayan at follow up sa Department of Agriculture upang maibaba ang nasabing programa . Ang mga benepisaryo ng Integrated Community Food Production (ICFP) mula sa tatlong barangay ay makakatanggap ng Poultry Stocks (Chicken), Seedlings at Farm Implements, samantalang ang Brgy. Patag ay makakatangap ng binhi ng palay.

Agosto 7, 2020 araw ng Biyernes direktang inihatid ng mahal na Mayor at agarang ipinamahagi ng nasabing tulong sa ating mga magsasaka katuwang ang SB members na sina SB Solas, SB Alcanatara, SK Daco at mga empleyado mula sa opisina ng Municipal Agriculture . Ito ay ipamamahagi sa Brgy. Baldat kung saan may 10 benepisaryo ang makakatangap, 15 mula sa Brgy. Binudac, 42 mula sa Brgy. Patag at So.Caninamngo Brgy. Galoc ay mayroon naman 24 na benepisaryo. Malaki ang pasasalamat ng ating mga mag sasaka sa LGU dahil sa pag bibigay pansin at agarang aksyon sa kanilang hanay.

Nais ipabatid ng LGU na masiguro ang bawat sektor ng lipunan ay matugunan ang mga pangangailangan. Lalo’t higit ngayong panahon ng krisis na dulot ng pandemya (COVID-19) na ang LGU laging handang umalalay at tumupad sa tungkulin sa bayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan