Skip to main content

DepEd Culion Learning Continuity Plan (LCP)

Ang pandemyang COVID-19 ay isang seryosong banta sa kalusugan. Ang matinding pagtaas ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa sakit ay nararanasan ng bawat pamilya at labis na nakakaapekto sa Sistema ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang edukasyon ang dapat unang prayoridad para sa mga kabataan ngunit isang malaking hamon para sa ating mga magulang kung
mabubuksan ang mga paaralan ngayong taon dahil sa krisis pangkalusugan.

Sa kabila ng kasalukuyang kalagayan ng bansa, ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng DepEd Order No. 007, series of 2020 “School Calendar and Activities for School Year 2020”, na agarang sinuportahan ng ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia N. De Vera para sa mga mag-aaral sa ating bayan. Kaugnay nito ang DepEd Culion ay naglabas ng kanilang Learning Continuity Plan (LCP) upang makabuo ng komprehensibong plano.

Bilang ayuda sa ating mga mag-aaral ninais ni Mayor V na mamahagi ng mga Tablets at Parabolic Equipment (para sa internet connection) lalo na sa mga estudyanteng walang gamit at kakayahang magkaroon ng Smart Phone, Tablet, o cumputer na maaring gamitin sa pag-aaral. Kasama narin ang pag papagamit ng mga chariot at libring fuel upang maihatid ang mga modules sa ibat-ibang barangay.

Layunin ng ating Punong Bayan na ipagpatuloy ang edukasyon at maihatid ang tamang kalidad nang pangunahing serbisyo na may kakayahang magamit ang iba’t-ibang instrumento sa pag-aaral sa panahon ng krisis. Isa itong maituturing na pangunahing hakbang hindi lamang sa mga mag-aaral maging sa mga butihing guro at magulang na nangangarap maisakatuparan ang edukasyon para sa kanila sa kabila ng pandemya.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan