Distressed Vessel Rescue Operation

“Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Distressed Vessel Rescue Operation)
Isa sa mga mandato ng MDRRM Office ay magsagawa ng rescue operation sa mga sasakyang pandagat na na-stranded o nabahura o nalubog.
Mga bandang 7:30 ngaung gabi, February 11, 2023 nakatanggap ng tawag ang Opisina ng Culion MDRRM mula sa ating mga ksamahan sa trabaho from MDRRMO Coron lulan ng bangkang Coron Rescue 2, na siyang naghatid ng pasyente sa Ospital ng Culion ngunit sa di inaasahang pangyayari habang pabalik sa bayan ng Coron ay nagkaroon ng problema ang kanilang makina malapit sa Sand Island, na sakop ng Bgy. Libis. Agad na inutusan ng ating butihing Mayor, Hon. Ma. Virginia N. De Vera ang MDRRM Personnel na magsagawa ng rescue operation sa nasabing bangka, ito ay lulan ng apat (4) tao. Ang mga nasabing personalidad at bangka ay maayos na nahila pabalik sa bayan ng Culion.
Ang agarang pagresponde sa mga bangkang na stranded at nangailangan ng tulong lalo’t sa ating mga kasamahan sa DRRM ay isinasagawa upang masigurong ligtas at makauwi ng maayos ang mga taong lulan ng nasiraang bangka.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
From: Operation and Warning Division
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan