Skip to main content

Distressed Vessel Rescue Operation

Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Distressed Vessel Rescue Operation)
Isa sa mga mandato ng MDRRM Office ay magsagawa ng Search and Rescue Operation sa mga sasakyang pandagat na na-stranded, nabahura, o lumubog.
Ngayong umaga lamang, February 2, 2024, bandang 5:10 ng umaga nakatanggap ang Opisina ng MDRRM Culion ng isang distressed call mula sa Coron Rescue speedboat (discharged battery) malapit sa Sitio Chindonan, ito ay may sakay na isang pasyente patungong ospital ng Culion. Dahil dito, agad na pinagutos ng ating Punong Bayan, Ma. Virginia N. De Vera, na magsagawa ng Rescue Operation sa nasabing bangka upang masigurong maayos at ligtas na maidala ang nasabing pasyente sa ating ospital.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan