
Distressed Vessel Rescue Operation
“Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Distressed Vessel Rescue Operation)
Isa sa mga mandato ng MDRRM Office ay magsagawa ng rescue operation sa bangka na na-stranded o nabahura o nalubog.
Kanina bandang 10:20 ng umaga, January 6, 2023 nakatanggap ng tawag ang Opisina ng MDRRM mula sa secretary ng Bgy. Jardin, na mayroong nalubog na bangka malapit sa Bugor Island, Sitio Chindonan na sakop ng Bgy. Libis. Agad na inutusan ng ating butihing Mayor, Hon. Ma. Virginia N. De Vera ang MDRRM Personnel na magsagawa ng rescue operation sa nasabing bangka, ito ay lulan ng apat (4) tao, tatlo dito ay mula sa Bgy. Culango at ang isa ay mula sa Bgy. Jardin, Culion, Palawan. Ang mga nasabing nirescue ay maayos na nakabalik sa kani-kanilang tahanan sa Bayan ng Culion.
Ang agarang pagresponde sa mga bangkang na stranded o nalubog ay isinasagawa upang masigurong ligtas at makauwi ng maayos ang mga taong lulan ng bangka.
Nais rin namin pasalamatan ang Opisina ng PCG- Culion na katuwang sa mabilis na pagresponde sa nasabing insidente.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)