Distribution of First-Aid kits with Spine Boards

Distribution of First-Aid kits with Spine Boards para sa mga public schools na nasa malalayong lugar sa Bayan ng Culion. Ang unang batch ay naipamahagi sa mga sumusunod na paaralan:
1. Malaking Patag Elementary School
2. Cabulihan Elementary School
3. Malaking Patag High school
Ang nasabing proyekto ay inisyatibo ng pamahalaang De Vera sa pamamagitan ng MDRRMO na gawing handa sa banta ng sakuna at di kanais nais na pangyayari ang bawat pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitang pang unang lunas.
Sa mga susunod na araw, isang guro sa bawat paaralan na nakatanggap ng nasabing supplies ang sasailalim sa dalawang araw na pagsasanay o orientation na may kinalaman sa pagbibigay ng paunang lunas.
Labinlimang (15) First-Aid Kit at Spine Boards ang nais ipamahagi sa mga pampublikong paaralan na kabahagi ng Arampang-Ampang Activity ng Lokal na Pamahalaan ng Culion sa pangunguna ng ating butihing mayor, Hon. Ma. Virginia N. De Vera.
From: CERU , Administration and Training Division
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan