DISTRIBUTION OF SPES SALARY

Noong natapos ng ating mga SPES o Special Program of Employment for Students sa ating bayan ang kanilang 20 days na serbisyo na bahagi ng programa ng Provincial Government of Palawan (PGP) sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Jose Ch. Alvarez, atin namang sinikap na mapabilis ang pagproseso at pagrelease ng ating SPES-Salary. Ang ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera ay inatasan ang ilang kawani sa gobyerno na tutukang ayusin ang mga kinakailanganang mga requirements upang maiproseso ng maayos at mabilis ang sweldo. Ito ay naging posible at matagumpay dahil na rin sa suporta at mabilis na pagbigay ng aksyon ng Provincial Government of Palawan.

Ang lokal na pamahalaan ng Culion, ay nagpapasalamat sa suporta mula sa Provincial Government dahil sa kanilang programang ito at mabilis nilang pagbibigay ng aksyon upang marelease ang SPES-Salary. Ang kanilang sahod ay malaking tulong sa mga estudyante para sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Kahapon, December 14, 2020, naiabot na sa SPES ang kanilang sahod dahil sa mabilisan aksyon at maayos na koordinasyon dahil sa pagtutulungan ng ating mahal na Gov. Alvarez at Mayor De Vera.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!