Skip to main content

DPWH-PALAWAN NAGSISIMULA NANG MAG-IKOT SA IBA’T IBANG BARANGAY NG CULION PARA SA GEO TAGGING AT ROUTE SHOOT, PAGHAHANDA PARA SA PAGPAPASEMENTO NG MGA KALSADA!

GOOD NEWS: DPWH-PALAWAN NAGSISIMULA NANG MAG-IKOT SA IBA’T IBANG BARANGAY NG CULION PARA SA GEO TAGGING AT ROUTE SHOOT, PAGHAHANDA PARA SA PAGPAPASEMENTO NG MGA KALSADA!
Taong 2018 ng mag sumite ng proposal si Mayor Ma. Virginia n. De Vera katuwang ang Sangguniang Bayan sa opisina ng DPWH ng mga kalsada upang maging konkreto na maghahatid ng kaginhawaan sa mga mamamayan, negosyante, mga motorista at mag papabilis sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa iba’t-ibang barangay. Ang nasabing proposal ay na aprobahan ng DPWH sa ilalim ng kanilang Programang Roads Leveraging Linkages for Infrastructure o ROLL-IT.
Araw ng Lunes, March 1, 2022 nag simula nang mag-ikot ang mga Engineers ng DPWH-Palawan katuwang ang opisina ng Municipal Engineers sa pag iikot sa iba’t ibang barangay (Geo Tagging at Route Shoot) ito’y paghahanda para sa pagsisimula ng pag papasemento ng mga sumusunod na kalsada;
1. Construction of Malaking Patag-Butnongan-Ugnisan Road
2. Construction of Malaking Patag-Dita Road
3. Construction of Guitna-Baldat Road
4. Construction of Butnongan-Binudac Road
5. Construction of Ugnisan-Canimango Road
6. Access Road Leading to Palawan Super Corn Development Corporation in support of Agribusiness Industry.
Isang tagumpay para sa Culion na patuloy na bumubuhos ang mga proyekto sa kabila ng pandemya na ating nararanasan, ito ay resulta ng agresibo pakikipag ugnayan ni Mayor V sa iba’t-ibang ahensya at seryosong magbigay ng tunay na serbisyo para sa bayan upang patuloy na umabante.
#Infrastructure
#kongkretongKalsada
#TatakMayorV
#AbanteCulion

 

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan