
DRUG FREE WORKPLACE ORIENTATION
Hunyo 2, 2022, sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) isinagawa ang orientation na ang layunin ay mabigyan ng mas malinaw na kaalaman at tamang hakbang ang ating lokal na pamahalaan at barangay na mapanatiling drug free upang masigurado ang magandang kinabukasan ng bawat kabataan at maprotektakahan ang bawat pamilya sa ating bayan.
Isa ang ating mahal na Mayor na dumalo sa ginanap na orientation kasama ang ating Municipal Administrator, Municipal Social Welfare and Development Officer, PNP personnels at mga kinatawan ng MADAC Council gayundin ang kapitan at secretary ng iba’t ibang barangay upang mas maintindihan ang mga mahahalagang detalye tungkol sa kampanya kontra droga ng ating pamahalaan.
Malakas ang suporta ni Mayor V sa mga ahensya ng ating pamahalaan tulad ng PDEA upang masugpo ang droga para madeklarang Drug Free ang buong bayan at kung paanong patuloy na labanan ang malawak na pagkasira ng ating kabataan. Lubos ang pasasalamat ng ating lokal na pamahalaan sa mga ganitong aktibidades.
Hindi papayagan ni Mayor V na muling pasukin tayo ng droga at ng kadilimang epekto nito. Tapos na ang panahong sila ay namayani at sumira ng mga buhay at kinabukasan.
#Abanteculion