Skip to main content

DTI Trainings (Graduation Ceremony)

Dahil sa agarang inisyatibo at aksyon ng Punong Bayan Mayor. Ma. Virginia N. De Vera siya’y nag sumite ng Local Recovery Plan sa pamunuan ng DTI-MIMAROPA kung saan ito ay agarang na aprubahan at nag padala ng mga taong mag sasanay mula sa TESDA Accredited Center para sa ibat-ibang trainings.

Ang mga nasabing skills trainings ay dinaluhan ng ibat-ibang barangay. Noong ika-29 ng Hulyo ay nagtapos ang tatlong araw na pag sasanay sa Meat Processing na mayroon 25 kalahok at sa araw ng pag tatapos ang bawat grupo ay nabigyan ng livelihood assistance na nagkakahalaga P, 3,000.00 worth of goods bilang puhunan at panimula sa isang maliit na negosyong nais nila base sa kanilang natutunan. At sa sumunod na araw, Agosto 30, 2020 may mahigit 19 na kasali sa Fish Processing ang nag sipag tapos sa tatlong araw na pag sasanay. Ngayong araw naman Agosto 5, 2020 ay nagtapos ang tatlong skills training sa loob nang 10 araw ang pag sasanay, tulad ng Bread and Pastry na may 25 na kasali, Beauty Care na may bilang 25 at Bookkeeping na mayroon 25 kalahok.

Kumpyansa ang lokal na pamahalaan na malaking tulong ito sa mamamayan ng Culion, sapagkat ang ibang kalahok ay mga benepisaryo ng Local Recovery Plan upang madagdagan ang kaalaman sa paghandle ng kabuhayan na ipinag kaloob ng LGU at sa mga kalahok na hindi benepisaryo ay makaktulong dagdag kaalaman sa negosyong maari nilang pasukin.

Nais ipaabot ng lokal na pamahalaan na ito’y mag papatuloy ang mga ganitong uri ng trainings sa mga susunod na buwan. Inilahad ng DTI Staff na mag kakaroon ng opisana ang DTI “Go Negosyo Center” sa susunod na buwan upang mapabilis ang pag poproseso ng pag lilegal ng nais mag tayo ng negosyo at gayundin mabigyan ng kaukulang pag sasanay upang magabayan sa pag handle ng isang negosyo. Labis ang pasasalamat ng LGU sa pamununan ng DTI MIMAROPA dahil sa walang sawang pag suporta sa mga adhikain ng LGU upang higit mapaunlad ang antas ng pamumuhay na walang maiiwan nasa laylayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan