Enhanced Home Restriction to Culion Palawan August 23, 2020

Noong ika-23 ng Agosto taong 2020, idineklara ng Lokal na Pamahalaan ng Culion sa ilalim ng Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang isang Enhanced Home Restriction sa buong bayan ng Culion o paghihigpit sa paglabas ng mga residente sa kanilang mga tahanan kasabay rin nito ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng tindahan, negosyo at pagpapahinto ng mga trabaho na epektibo sa loob ng labing-apat (14) na araw at tanging mga opisyal ng bawat barangay at ilang mga Barangay Health Workers (BHW) at Frontliners lamang ang makikita sa kalsada upang tumugon sa pangangailangan ng bawat pamilya. Ito ay matapos makompirma na positibo sa sakit na COVID-19 ang SWAB Test ng apat (4) pasyente mula sa bayan ng Coron.

Para masiguro ang kaligtasan ng buong komunidad ay inatasan ni Mayor V ang Municipal Administrator Maxim F. Raymundo upang magsagawa ng malawakang pag-iikot sa loob at labas ng poblasyon sa pakikipagtulungan ng ating kapulisan sa pangunguna ni PNP Chief PCPT Dhenies S. Acosta ng sa ganoon ay masubaybayan ang bawat barangay sa pagpapatupad ng Enhanced Home Restriction sa kanilang nasasakupan. Ito rin ang pagkakataon upang mabigyan ng sapat na kaalaman at update ang mga opisyal ng barangay kung anu-ano ang mga alituntunin at regulasyon na dapat sundin ng bawat residente sa barangay sa ilalim ng Enhanced Home Restriction.

Ang nasabing pag-ikot sa buong bayan ay patuloy na isasagawa upang matiyak na ligtas ang bawat mamamayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!