
ESTADO NG SERBISYO SA PAGPAPAILAW TINALAKAY!
TINGNAN: ESTADO NG SERBISYO SA PAGPAPAILAW TINALAKAY!
Dahil sa nararanasang pagpatay sindi ng supply ng Kuryente, marami sa ating mga Consumers ang dismayado dahil apektado ang kanilang araw-araw na gawain at hanapbuhay. Ang pamunuan ng National Power Corporation at Biselco ay nagtakda ng pagpupulong na dinaluhan ng mga kasapi, sa pangunguna ni General Manager Ms. Ruth L. Fortes , Board of Director Mrs. Marivic Gelacio at miyembro ng Biselco, Mayor Ma. Virginia N. De Vera, SB Member Ronald H. Alcantara, Municipal Administrator Mr. Maxim F. Raymundo. Tinalakay ang mga kakulangan at pagpapanatili ng maayos na serbisyo ng kuryente. Ipinabatid ng NAPOCOR ang mga sumusunod na problema, Mula sa kanilang walong makina apat lamang ang gumagana dahil sa hindi matatag at tumitigil ang boltahe sanhi ng pagdepekto ng AVR. Putol ang Crankshaft at may pinsala sa main bearing at thrust washer at nasunog ang alternator. Apat na makina ang gumagana ngunit lilimitahan ang ibibigay na boltahe at nagsusuply lamang mula sa 600 Kilowatts upang mapigilan ang posibleng pagkasira at labis na karga ng Generator at sa napipintong pagkukulang sa supply ng diesel.
Sa ngalan ng NPC – Culion DPP sinisikap ng pamunuan na kumpunihin at maibalik ang mga hindi gumaganang mga makina para sa tuloy-tuloy na serbisyo ng Kuryente at maibsan ang load shedding. Siniguro ng lokal na pamahalaan, ang pakikipagugnayan sa Energy Regulatory Commission upang mapabilis ang aplikasyon ng Hybrid Power Plant sa Sitio Dita, Barangay Malaking Patag. Isang tugon sa mabigat na kakulangan sa Supply ng Kuryente at tuloy-tuloy na serbisyo sa bawat mamamayan ng Culion. Bilang pagtatapos ng talakayan, na pinagunahan ni Ms. Ruth Galang at pamunuan ng Biselco, nangako na magbibigay ng Solar Lights na ibibigay sa mga lsla na hindi kayang maabot at hindi makabitan ng serbisyong elektrisidad. Isang pagtugon sa mahahalagang talakayan para maibigay ang tamang serbisyo at lalong mapalago ang mga negosyo.
Sa pamamagitan ng agarang aksyon ni Mayor V ay mabibigyan ng solusyon ang problema sa elektrisidad.
#NAPOCOR
#BISELCO
#Abanteculion