Evacuation Center ang Brgy. Burabod

Taong 2019 ay nag sumite ang ating Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera sa Department of Interior and Local Government (DILG) ng panukalang magkaroon ng Evacuation Center ang Brgy. Burabod na agarang inaprobahan nang nasabing ahensya at sinimulan noong ika 15 Nobyembre taong 2019.

Ang proyektong Evacuation Center ay nagkakahalagang 4,850,489 piso na pondo mula sa DILG sa pakikipagtulungan ng First R & Phils. Corporation sa pagbuo ng pasilidad na inaasahang matatapos ngayong taon.

Lubos ang pasasalamat ng ating mahal na Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera at ng ating mga kababayan sa Brgy. Burabod dahil isa sila sa tatlong barangay sa bayan ng Culion ang nabiyayaan ng DILG ng ganitong oportunidad na magkaroon ng Evacuation Center na isang napakalaking tulong sa mga residenteng naninirahan lalong-lalo na sa mga hindi inaasahang sakuna.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!