Skip to main content

FACE TO FACE CLASSES PARA SA ATING ESTUDYANTE MULI NG BUBUKSAN!

TINGNAN: FACE TO FACE CLASSES PARA SA ATING ESTUDYANTE MULI NG BUBUKSAN!
Dalawang taon ng nakalipas na hindi nakapasok ang ating mga estudyante sa mga eskwelahan dulot ng naranasang pandemya na nagpalugmok sa buong mundo.
Malugod na pinapaalam mula sa ating Pamahalaang Lokal para sa mga magulang na may mga estudyante sa iba’t-ibang eskwelahan sa bayan ng Culion muli ng bubuksan ang Face to Face Classes ngayong darating na pasukan sa ika-22 ng Agosto, taong kasalukuyan. Ito ay may halong Blended Learning Modality na kung saan, ay may ilang araw lamang na papasok sa eskwelahan ang ating mga estudyante at para sa natitirang araw ito ay modules ang mga takdang aralin ay gagawain sa kani – kanilang tahanan. Magkakaroon lamang ng 5 days in-person classes na kung saan, araw-araw ng papasok sa eskwelahan ang mga estudyante simula sa darating na ika-2 ng Nobyembre, taong kasalukuyan. Alinsunod mula sa ibinabang DepEd Order No. 34, s. 2022 na patungkol sa School Calendar and Activities for the School Year 2022 – 2023.
Hindi hadlang ang pandemya para sa mga estudyanteng may iisang pangarap na makapagtapos ng pag aaral.
#DepEdsulongedukasyon
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan