Skip to main content

FACT CHECK!!!

⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️
Isang Facebook group page ang nagsasabi na nagbibigay sila ng 500,000 sa mga bagong miyembro sa grupo.

✔️ FACT CHECK: Hindi nagbibigay ng anumang halaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hangga’t hindi ito dumadaan sa assessment ng ating social worker. Wala rin pong official Facebook group page ang DSWD. Ang group na ito, https://www.facebook.com/groups/749412383851228 ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nagbibigay ng pekeng impormasyon patungkol sa mga serbisyo at programa ng kagawaran. Huwag magtiwala at huwag magpaloko sa mga posts na nakapaloob sa group na ito dahil maaari kayong maging biktima ng scam.

Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad ng Facebook group page na ito.

Bisitahin lamang ang official social media accounts at website ng DSWD para sa mga updates sa mga programa at aktibidad ng ahensya:
FACEBOOK: @dswdserves (Department of Social Welfare and Development)
TWITTER: @dswdserves (www.twitter.com/dswdserves)
YOUTUBW: @dswdserves (www.youtube.com/dswdserves)
INTSTAGRAM: @dswdphilippines (www.instagram.com/dswdphilippines)
WEBSITE: www.dswd.gov.ph
Sama-sama tayo sa paglaban sa mga maling impormasyon dahil sa DSWD, bawal ang fake news!

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#SaTrueLang

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan