
Final Assessment at Pay-out ng nasabing Educational Assistance
Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng educational assistance sa ating munisipyo ay nagpulong ang tatlong tanggapan mula s MSWD, KALAHI AT PANTAWID PAMILYA sa pangunguna ng SWAD office representative.
Alinsunod sa “guidelines” at sistema ng implementasyon na inilabas ng DSWD ay pinaalalahanan pa din po ang lahat ng mga kwalipikadong aplikante na kayo po ay kailangang magrehistro sa “QR CODE” na inilabas ng DSWD MIMAROPA na nakapost sa fb account ng MSWD CULION.
Nais po naming ipabatid na hindi po kontrolado ng aming tanggapan kung closed ang link ng DSWD, ngunit sa mga panahon na ito po ay hindi ma access o “closed” ito dahil under verification po ang mga naunang aplikante, pag matapos ang verification ay agad din po nila itong ioopen para sa mga mag-aapply.
TANDAAN po natin,
Na ang tanging mga NAKATANGGAP lamang ng TEXT MESSAGE mula sa DSWD ang syang pahihintulutan na tumungo sa lugar na itinakda sa ating munisipyo para sa isasagawang final assessment at pay out ng nasabing educational assistance sa September 24, 2022..
Culion Municipality