Skip to main content

Fire Suppression Activities

Magandang Araw Bayan ng Culion
Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office – Fire Suppression Activities”
Kahapon araw ng Miyerkules February 14, 2024 bandang 12:55 ng tanghali nakatanggap ng tawag ang Opisina ng MDRRM Culion na mayroong Grassfire sa sitio canimango Brgy. Galoc malapit sa relocation area, dahil dito agad namang pinagutos ng ating Punong Bayan, Ma. Virginia N. De Vera, na respondehan ang nasabing Grassfire sa lugar. Ang Opisina ng MDRRM katuwang ang BFP Culion ay agarang rumesponde upang masegurong ligtas at ma-protektahan ang kabuhayan at mga ari-arian ng mga residenteng nakatira malapit sa grassfire.
Atin din pong ipinapanawagang muli sa ating mga kababayan na iwasan ang intentional na pagsusunog ng kagubatan upang mapanitili ang kaligtasan ng bawat isa.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan