FIRST WAVE: AYUDANG BIGAS IPINAMAHAGI SA GITNA NG PANDEMYA

Kamakailan ay ipinatupad sa buong bayan ng Culion ang malawakang pag-iingat at pag-lilimita sa paggalaw ng mga tao para labanan ang pagkalat ng virus sa bayan.

Dahil dito lubusang naapektuhan ang lahat lalo’t ang ating mga kababayang umaasa sa kanilang pangaraw-araw na hanap-buhay, kung kaya’t agarang nag paabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa lahat ng barangay na mabigyan ang bawat pamilya ng bigas dahil ito ang pangunahing pagkain ng bawat pamilyang Pilipino. Binigyang prayoridad ng ating mahal na Mayor Virginia Nakachi De Vera ang pamilyang higit na apektuhan at nangagailangan dahil nais ng lokal na maipadama ang tunay na malasakit sa ating mga kababayan gayundin kasabay ang hiling ng pamahalaan ang pag unawa sa mga taong higit na nakakaalwan sa buhay na mamayani sa ating kalooban ang pagbibigay sa higit na nangangailangan nating kababayan at malampasan ang mga ganitong pag subok sa ating bayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!