FIRST WAVE UPDATES: IKALAWANG BAHAGI NG AYUDA, GULAY IPINAMAHAGI!

Marahil tipikal na sa atin makita ang mga delata at noodles ang laman ng mga relief goods na ating natatanggap tuwing mayroong kalamidad.

Sa ikalawang bahagi ng ayuda minabuti ng mahal na Mayor Virginia Nakachi De Vera na sa mga ganitong sitwasyon ay makita pang lubusan ang mga mamamayan na naapektuhan na maaring matulangan sa kanilang kabuhayan, sa pag iikot ni Mayor V imbes na delata at noodles ang gawing ayuda mas ni nais niyang matulungan ang ating mga magsasaka sa gulay kaya’t ang lahat ng aning gulay ay pinamili ng lokal na pamahalaan sa ibat-ibang barangay bilang tulong at ito rin ang gagawing ayudang ipinamahagi sa gitna ng pandemya at ipinatutupad na malawakang pag iingat sa buong bayan ito ay ipinagkaloob sa lahat ng barangay.

Sa anumang panahon nais iparating ng administrasyon ngayon na laging kaagapay ang pamahalaan sa sinumpaang tungkuling at maiparating ang tunay na serbisyo. Ang mga ganitong hakbangin ang nais ng ating mayor na mag patuloy tungo sa isang mapayapa at maunlad na bayang may iisang layuning umabante.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!