FIRST WAVE UPDATES: IKATLONG BAHAGI NG AYUDA, ISDA IPINAMAHAGI!

Matapos maibahagi ang mga gulay, sa ikatlong bahagi ng ayuda patungkol pa rin sa kasalukuyang kalagayan ng bayan dulot ng pandemya (COVID-19) muling namahagi ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating masipag na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ngayon naman ang kanyang binigyang pansin ang ating mga mangingisda kung saan binili ang lahat ng isda upang maging bahagi parin ng ayuda sa lahat ng barangay.

Naniniwala ang lokal na walang pagsubok na hindi kayang lampasan ng bawat isa hangga’t nagkakaisa tungo sa iisang hangarin maisaayos ang lahat at mabigyan importansya ang lahat ng sektor.

Paalala rin ng pamhalaan na laging sundin ang mga panuto at mga alintuntunin upang ang lahat ay maging ligtas gayundin mapabilis ang pag sugpo sa virus at ang lahat ay maibalik sa normal na sitwasyon dahil walang ibang hinahangad ang lokal na maging komportable at ligtas ang bawat isa sa isla ng Culion.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!