Fishing Gears and Livestock Input for Barangay De Carabao!

COVID RECOVERY PLAN UPDATES: LAMBAT (FISHING GEARS INPUT) AT BIIK (LIVESTOCK INPUT) IPINAMAHAGI SA BARANGAY DE CARABAO!

Makalipas ang ilang araw na pag sasailalim sa paglilimita sa galaw ng tao sa ating bayan bilang hakbang upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus sa mga nakalipas na araw, muling umikot ang ating mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera kasama ang Sangguniang Bayan Members na sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Solas, SB Ballesca, SB Dayandante, SB Alcantara, SK Daco at ilang kawani upang ipagpatuloy ang pamamahagi sa ating mga kababayan ng ayudang lambat at biik dulot parin ng pandemya sa ating bayan.

Ito ay bahagi ng nasabing programa para sa muling pagbangon higit ang ating mga kababayang nasa laylayan ng lipunan na nais matugunan ng ating lokal na pamahalaan upang maisaayos ang kanilang kalagayan sa buhay. Ang nasabing biik at lambat ay ibinahahgi sa Barangay Carabao, ang kabuuhan ay mayroong mahigit 13 na biik at 67 na lambat ang naipamahagi. Masayang natanggap ng mga benepisaryo ang mga ayuda alinsunod sa kanilang kahilingan.

Magpapatuloy ang administrasyon na mabigyan ang bawat sektor ng lipunan upang higit na maisaayos ang kalagayan ng bawat isa.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!