Skip to main content

Fishing Gears and Livestock Input Update

COVID LOCAL RECOVERY PLAN UPDATES: IKA-PITONG BAHAGI NG PAMAMAHAGI (FISHING GEARS INPUT) HANDOG SA MGA MANGINGISDA, FEEDS SUPPORT (LIVESTOCK INPUT) BILANG DAGDAG KABUHAYAN AT KASABAY ANG PAYOUT PARA SA TRANSPORTASYON/BOARDING HOUSE ASSISTANCE NG ATING MGA STUDYANTE TAONG 2019-2020!

Hindi alintana ang sama ng panahon maisakatuparan lamang ang tunay na serbisyo at malasakit sa ating mga kababayan dahil ngayong araw muling namahagi ang ating mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ng ayuda sa ating mga mangingisda kung saan kasama sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Solas, SB Dayandante, SB Ballesca at ilang kawani.

Ang mga nasabing ayuda ay ibinahagi naman sa Brgy. Burabod na may 6 na benepisaryo at Brgy. Halsey na mayroong 26 na bilang. Ito ay personal na inihatid ng ating mahal na Mayor V sa mga nasabing barangay.

At ngayong araw ipinamahagi rin sa ating mga kababayan ang kanilang dagdag kabuhayan na ayon din sa kanilang kahilingan katulad ng feeds para sa baboy at manok. Ito ay ipinamahagi sa So.Butnongan, Binudac Proper, Brgy. Tiza, at Brgy. Balala na may kabuaan 8 na benepisaryo.

Kasabay ng pamamahagi ng payout para sa ating mga studyante bilang kabayaran sa kanilang transportasyon kung saan mahigit 62 na benepisaryo ang nakatanggap at 27 sa Boarding House rental assistance ng Brgy. Burabod at Halsey, ang nasabing payout ay para sa taong 2019-2020.

Ang mga gawaing ito ay mag papatuloy sa mga susunod pang araw, dahil nais ng ating lokal na pamahalaan na agarang mabigyang aksyon higit lalo’t ang ating mga kakabayang apektado ng pandemya.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan