Skip to main content

Gabi ng Parangal 2023

Pasasalamat!
Taos-pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa ating butihing Mayor, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, sa pamamagitan ng Human Resource and Management Office sa natanggap na awards ng opisina nitong nagdaang “Gabi ng Parangal 2023″. Nakamit ng MDRRMO ang titulong ”MALASAKIT AWARD” at “AGILA AWARD” bilang pagkilala sa mga natatanging serbisyo, malasakit sa mamamayan, at tagumpay ng Opisina.
Asahan po ninyong pagbubutihin at hihigitan pa namin ang aming trabaho upang magampanan ng maayos ang aming tungkulin para mapanatiling ligtas ang ating bayan sa anumang uri ng sakuna at kalamidad.
Maraming maraming salamat po!
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (CERU-Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan