Skip to main content

GATAS AT DIAPER HANDOG PARA SA MGA ANGHEL NG TAHANAN

Isa sa mga layunin Programang Malasakit ni Mayor V. ay ang maalalayan at matulongan ang mga magulang pagdating sa pangangailangan ng kanilang mga supling upang mabawasan ang kanilang mga alalahanin. Dahil sa layuning ito ay nakapagpamahagi ng kabuoang bilang na 123 packs na naglalaman ng GATAS at DIAPER sa Barangay Burabod (77 beneficiaries) at Barangay Halsey (46 beneficiaries) nito lamang Pebrero 25, 2022. Ito ay bahagi ng Supplemental Feeding Program na pinondohan sa ilalim ng LCPC (Local Council for the Protection of Children) at GAD (Gender and Development).
#ProgramangMalasakit
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan