Skip to main content

Gatas, Diaper at Mineral Water Ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan

Hindi lamang ayudang bigas at mga ulam ang pinamamahagi ng ating lokal na pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sinigurado din na mabigyang ayudang gatas, mineral water at diaper ang ating mga sanggol sa bawat pamilya.

Inatasan ni Mayor V ang Mayor’s and Administrator’s Office upang siguraduhin na agarang maihatid ang ayuda para sa mga sanggol. Patuloy na mamamahagi ang ating lokal na pamahalaan dahil mas kailangan ng ating mga kababayan ang tunay na malasakit at pag aruga sa kasalukuyang sitwasyon.

Inaasahan ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat isa upang agarang humilom ang ating bayan. Abante Culion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan