Skip to main content

Gawad Mabini

PABATID ‼️‼️
Kaugnay sa pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, ay naglungsad ng isang aktibidad ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera.
Ang pangyayaring ito ay ipinangalan sa isang lumpong bayani na si Apolinario Mabini, na ang kapansanan ay hindi naging hadlang sa kanya upang maging isang bayani at malikhaing henyo ng rebolusyong Pilipino.
Layunin ng gawad para sa natatanging apolinario mabini ng Culion na makilala ang mga indibidwal na may kapansanan na nakagawa ng mga kapansin pansin na marka sa mga napiling larangan o nagbigay ng mga natatanging serbisyo na may epekto sa mga mamamayang may kapansanan.
Ang natatanging parangal na ito ay bukas para sa lahat ng rehistradong Persons with Disability sa Bayan ng Culion, May edad na 18 hanggang 59 taong gulang, babae at lalake.
Sa mga interesadong magnomina para sa nasabing parangal, ay mangyari lamang na magsumite sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng kwentong nagpapakita na sila ay karapat dapat na tanghaling Apolinario Mabini ng Culion. Hanggang August 30
Para sa iba pang katanungan, maaaring magmensahe sa aming Facebook page o tumungo sa tanggapan ng MSWD.
#AbanteCulion
#PWDWeek
Culion Municipality

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan