Gender and Development Code ( GAD) ay matagumpay na naipasa bilang isang ordinansa

Matapos ang napakadaming taon bilang isang lokal na pamahalaan ay unti unti ng naisasaayos ang mga plano at mga ordinansang mahalaga sa patuloy na pagabante ng ating bayan.

Ang ating Gender and Development Code ( GAD) ay matagumpay na naipasa bilang isang ordinansa. Ang GAD code ay nakatuon sa patas at pantay na pagkilala sa ating mga kababaihan at iba pang mga sektor na “vulnerable”, layunin nitong siguruhin ang patas at pantay na karapatan, gayundin sa pakikilahok sa mga programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Inatasan ni Mayor V at Bise Mayor Totel Lagrosa ang ating GAD Focal na si Ms Lucille Castro na naging kabalikat naman natin si SB Cecilia Cunanan na syang chairperson ng sektor ng kababaihan sa Sanggunian ay naging matagumpay ang mga plano at inityatibong maipasa ito ng kasalukuyang administrasyon.

“Ang pagpasa ng ating GAD code sa kabila ng matagal na panahon ay ang totoong pagkilala sa tunay na karapatan ng ating mga kababaihan at sektor na tinuturing na vulnerable. Importante na ito ay maging batas upang mas maging solido ang ating pagkilala at pagmalasakit” ayon kay Mayor V.

#AbanteCulion
#sulongkababaihan
#Sulongkabataan
#sulongSeniorcitizen
#sulongpwd
#sulongGAD

[pdf-embedder url=”https://www.culionpalawan.gov.ph/wp-content/uploads/Ordinance-Enacting-and-Institutionalizing-the-Gender-and-Development-GAD-Code.pdf” title=”Ordinance Enacting and Institutionalizing the Gender and Development (GAD) Code”]

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan