GOOD NEWS: DALAWANG SASAKYAN MAGSISILBING SERVICE VEHICLE/SCHOOL BUS MULA GALOC PRODUCTION COMPANY DUMATING NA!

Taong 2018 nang maisumite ang Project Proposal na pinamagatang “Mobility Acceleration Project for Students”’ ng lokal na pamahalaan mula sa inisyatibo at agresibong pakikipag ugnayan ng ating Punong Bayan Ma. Virginia Nakachi De Vera sa ilalim ng IHEAL Education Program.

Ngayong araw ang mga nasabing sasakyan ay narito na sa ating bayan at pormal na tinanggap ni Mayor at SB Members mula sa Galoc Production Company Malaking tulong ito sa ating mga mag aaral ng outside poblacion sa matagal na nilang kalbaryo sa paglalakad ng ilang kilometro makapasok lamang sa eskwelahan. Ito ay magsisilbi rin service vehicle para sa ating mga minamahal na senior citizen na makapasyal sa mga magagandang destinasyon at makita ang malaking pag babago at mga proyektong bayan sa Culion.

Lubos ang pasasalamat ang LGU sa Galoc Production Company sa ipinagkaloob para sa ating bayan na makakatulong sa pag abante.

#transportation

#LGUlagingkaagapay

#WorkingMayor

#AbanteEdukasyon

#AbanteCulion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan