Guard Price Task Force

Alinsunod sa Executive Order no.16 ay inatasan ng ating Punong Bayan Hon.Ma.Virginia N. De Vera ang Bantay Presyo Task Force sa pangunguna ng ating Municipal Administrator Maxim F. Raymundo kasama ang MDRRMO Armando Lagrosa II, MSWDO Arlene Ballesca, MAO Arnel Alcantara, I HEAL Manager for Tourism Jubelle Cabatingan at ng PNP Chief Dhenies Acosta na magsagawa ng pag-iikot sa mga tindahan sa loob ng poblasyon ng Culion para mag-inspekyon at mag-monitor ng mga presyo ng mga bilihin at available Stocks na meron ang bawat establisyemento sa bawat barangay.

Ito ay upang masiguro ng ating Pamahalaan na walang anumang tindahan ang mananamantala sa mamamayan ng Culion sa panahon na dinaranas ng ating bayan sa banta ng paglaganap ng Corona Virus Disease 19.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Culion ay magbibigay ng pabatid upang bigyan ng karampatang kaalaman ang taong bayan na kung ano-ano ang available stocks at mga presyo ng mga bilihin sa bawat tindahan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!