
HANDWASHING STATION IPINAGKALOOB SA BAYAN NG CULION
Noong ika labing apat ng Mayo taong kasalukuyan sa ganap na alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng hapon, Inatasan ni Mayor V ang ating itinalagang Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer (MDRRMO) na si Armando G. Lagrosa Il, upang siya ay irepresenta sa pagtitipon sa Municipal Hall ng Bayan ng Coron kung saan isinagawa ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) patungkol sa proyektong Portable Handwashing Station. Inilunsad at ibinahagi ang 45 units ng portable handwashing station para sa Bayan ng Busuanga, Coron, Culion, at Linapacan na dinaluhan din naman ng mga opisyales ng mga nasabing bayan.
Naisakatuparan ang nasabing proyekto dahil sa pangunguna ng Cordaid, Philippine Red Cross at sa koordinasyon na din ng Calamianes Resilence Network. Lubos na nagpapasalamat ang ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera sa natanggap nating 10 unit ng portable handwashing station na siya namang ilalagay sa mga itinalagang pampublikong lugar. Malaking tulong ang maibibigay nito sa ating komunidad lalong lalo nangayon sa nararanasan nating krisis, ang pandemyang COVID-19.