
HOUSING INITIATIVES July 10, 2020
Sa kasalukuyang kinahaharap ng buong bansa maging sa ating bayan ng Culion sa banta ng pandemya at nakamamatay na sakit na Corona Virus Disease o ang COVID-19 na naging sanhi rin ng pagkawala pansamantala ng mga kabuhayan at pinagkakakitaan ay siya namang pagbuhos ng tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at Non-Government Agencies sa ating bayan.
Sa pangunguna ng Inang Bayan ng Culion na si Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera na personal na naghahatid ng relief goods sa lahat ng apektadong mamamayan kaakibat ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay kanyang nasaksihan na hindi lamang ang paghihirap sa pandemya ang kanilang nararanasan kundi ang kanilang tunay na katayuan sa buhay na dapat at higit na mas bigyan ng pansin ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ito ang nagtulak sa ating Inang Bayan na tugunan ang mga suliranin ng kanyang mga nasasakupan dahil marami sa ating mga kababayan ang mayroong mas malaking pangagailangan lalo na ang mga nakatira lamang sa maliliit at sira-sirang barong-barong sa kanilang lugar na agarang inaksyunan ng ating pamahalaan para ipagawa at ipaayos ang kanilang barong-barong upang maging ganap na isang bahay. Nais ni Mayor V na ipagpatuloy ng ating pamahalaan ang ganitong proyekto upang maging ligtas ang bawat pamilya lalo na ang mga nakatatanda at mga bata sa anumang sakunang darating katulad ng bagyo.
Patuloy na mag-iikot ang ating Team Abante Culion upang maisa-isa ang mga pamilya o mga lolo at lola sa bawat barangay na nangangailangan ng desente at matibay na tahanan.