Skip to main content

I -Heal Educational Assistance Pay-out in Brgy Malaking Patag, Galoc, Halsey and Poblacion

I-HEAL Educational Assistance pay-out in Barangays Malaking Patag, Galoc, Halsey at Poblasyon June 22, 26 at July 1

Sa kabila ng iba’t ibang pagsubok gaya ng pandemyang kinakaharap ng ating bayan ay hindi pa din naisantabi ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera ang kanyang adbokasiyang programang malasakit para sa edukasyon, kung kayat, nitong mga nakalipas na araw ay nagkaroon ng payout activity ang Team Education kasama ang ating butihing Mayor, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, upang personal na ihatid ang tulong pang edukasyon para sa mga kabataang mag-aaral na nagmula pa sa mga mamalayong barangay sa labas ng poblasyon at ibat-ibang IP’s community para sa mga buwan ng S.Y. 2019-2020. Ito ay direkta sa mga may-ari ng boarding house para sa bilang na 239 na mag aaral na mula sa Culion National High School Main at 27 naman sa Loyola College of Culion na syang naging benepisyaro ng libreng boarding house dito sa loob ng poblasyon kung saan malapit ang paaralan na kanilang pinapasukan.

Kasabay naman ng pag bayad ng renta sa boarding house ay ang transportation assistance (by Land/Boat) para sa mga benepisyaro na mag aaral sa CNHS Patag, Canimango National High School at Halsey National High School na may bilang na 442 na mag aaral na nag mula naman sa mga karatig na mga barangay at sitio na kinaroronan ng mga nasabing paaralan.

Sa kabuuang bilang sa taong kasalukuyan SY 2019-2020, umabot na sa 1,592 na mag-aaral ang benepisyaro ng programang pang edukasyon mula sa 1,343 noong SY 2018-2019 , 1,095 noong SY 2017-2018 at 485 noong SY 2016-2017 sa pamamagitan ng tuition fees assistance, Boarding house rental assistance, transportation assistance at cash allowance ra sa send-off assisted students o mga taga culion na nag-aaral sa labas ng ating bayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan