Skip to main content

IATF Announcement about 3 Confirmed Cases of Covid-19

Naitala ang 3 kauna-unahang covid confirmed cases sa ating bayan mula sa mga Locally Stranded Individuals na dumating nitong Sabado June 13 at Linggo June 14 base sa dumating na positive swab results kaninang umaga .

Ang unang kaso ay isang 38 years old na babae galing sa Manila na dumating noong Sabado sakay ng 2GO. Siya ay walang sintomas ngunit positibo sa Rapid Test kung saan reactive siya sa IgM kaya agad siyang na-isolate at na-swab.

Ang pangalawang kaso ay isang 19 years old na lalaki galing sa Manila na dumating noong Linggo sakay ang MV Jun Aster. Siya rin ay walang sintomas ngunit reactive sa IgM ng Rapid Test.

Ang pangatlong kaso naman ay ang 8 months old na babaeng galing din ng Manila. Kasabay niya sa biyahe ang lalaking nabanggit kanina at may close contact silang dalawa. Ang bata ay wala ring sintomas ngunit reactive sa IgM. Kasama ng bata ang kanyang 20 year old na ina na siyang reactive din sa IgM ngunit walang sintomas at negatibo ang kanyang swab test. Bagamat negatibo, ipagpapatuloy pa rin ang pag-isolate sa kanya kasama ang kanyang anak.

Ang lahat ay kasalukuyang naka isolate sa ating isolation facility. Sila ay oobserbahan sa loob ng 14 na araw.

Agad namang isinagawa Municipal Health Office ang contact tracing.

Nais naming ipaalala na sa ipagpatuloy ang pagsuot ng mask, physicial distancing ng isang metro, palaging paghuhugas ng kamay, at pagtakip ng bibig kapag babahing o uubo. Kaya nating maiwasan ang mga sakit kung sama sama tayong magiging responsable sa ating kalusugan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan