
Ibat-ibang Mandato ng Opisina ng MDRRM
“Ibat-ibang mandato ng opisina ng MDRRM”
Sa direktiba ng ating mahal na Punong Bayan Hon. Ma. Virginia N. De Vera, at bilang tugon sa request ng pamumuan ng Balala Elementary School ang opisina ng MDRRM ay nagsagawa ng pagpuputol ng mga delikadong puno sa nasabing eskwelahan. Kasabay din nito ay ang pagpa-fogging at misting sa loob at labas ng mga silid-aralan.
Layunin ng aktibidades na ito na maging ligtas ang mga magaaral at guro sa banta ng sakuna na maaring idulot ng nasabing mga delikadong puno. Gayundin ang pagpuksa sa mga lamok na maaring dahilan ng paglaganap ng malaria at dengue.
Dagdag Kaalaman: Paano Maiiwasan ang Dengue
1. puksain ang pinamamamahayn ng lamok.
2. gumamit ng FDA approved mosquito repellents
3. panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng bahay
4. linisin ang mga baradong kanal upang di pamugaran ng lamok
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)