Skip to main content

Ibat-ibang Mandato ng Opisina ng MDRRM

“Ibat-ibang mandato ng opisina ng MDRRM”
(Agarang pagtanggal at paglilinis ng mga natumbang puno o anumang bagay na maaring maging dahilan ng aksidente, sagabal sa daan, o panganib sa bawat mamayan ng ating bayan ng Culion)
Isang sanga ng puno ng Kaimito ang bumagsak sa bubong ng bahay sa kadahilanang ito po ay marupok na at dahil sa patuloy na pag-ulan. Wala naman po nasaktan sa nasabing insidente.
Base sa direktiba ng ating Punong Bayan, Ma. Virginia N. De Vera, agad po itong inaksyunan ng MDRRMO sa tulong ng kagawad ng Brgy. Balala simula 1:30 Ng hapon hanggang 2:40 ng hapon.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong at agarang pagbibigay ng impormasyon para sa kaligtasan ng bawat isa!
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan