Skip to main content

IHEAL-EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM UPDATES

Sa pag papatuloy ng IHEAL-Educational Assistance Program para sa kabataan ng Culion ay nag simula nang ipag-bigay alam ng personal sa mga magulang na ang anak nila ay napabilang sa Scholarship Program ng Lokal na Pamahalaan matapos nilang mag sumite ng aplikasyon. Dahil ang nais ni Mayor V na sa kabila ng pandemya at hirap na nararanasan ng ating mga kababayan na ang lokal na pamahalaan ay laging nakaalalay pag dating sa edukasyon ng kanilang mga anak upang maibsan ang hirap sa mga bayarin sa paaralan.
Ang mga tumanggap ng nasabing programa ay mga mag aaral mula sa Loyola College of Culion (LCC) na mayroon 289 na benepisyaryo, samantala mayroon 48 naman sa Western Philippine University (WPU-Culion Campus) kung saan sinasagot ang kalahati ng tuition ng mga mag aaral, mula naman sa pampublikong paaralan ng sekondarya ay mayroong 563 na benepisyaryo mula sa Culion NHS, Halsey NHS, Canimango NHS at Patag NHS para sa miscellaneous at pamasahe sa pag kukuha ng modules, Send-Off/allowance para naman sa mga kabataan nag aaral sa labas ng bayan kung saan mayroon 164 na benepisyaryo ang nasabing programa.
Isa ang kabataan sa prayoridad ng Administrasyon ni Mayor V na mabigyan sila ng sapat na atensyon at tamang suporta sa edukasyon dahil isa itong susi sa kanilang mga pangarap at karapatan na makapag-aral.
#IHEALEducationalassistanceProgram
#ScholarshipPrograma
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan