
Ikatlong araw ng Enhanced Community Quarantine sa Poblacion
Sa ikatlong araw ng Enhanced Community Quarantine sa Poblacion barangays ng ating bayan ay sinigurado din ni Mayor V na maipamahagi ang ikalawang ayudang ulam ( gulay o isda) sa bawat pamilya kasabay naman ng ayudang bigas na magmumula sa ating mga barangay.
Inaasahan ang pakikiisa ng bawat mamamayan at kooperasyon upang malampasan ang pagsubok na dala ng pandemyang ito bagamat sinisigurado naman ng lokal na pamahalaan ang serbisyo at ayudang may tunay na malasakit.