
Ikaw ba ay nakatanggap ng text mula sa PSA?
Ikaw ba ay nakatanggap ng text mula sa PSA? Kung oo, pwede mo nang ma-download ang iyong ePhilID sa iyong mobile device. Sa matatanggap na text message, “PSA” ang lalabas na sender nito at hindi ordinaryong phone number.
Parte ng proseso ng PSA ang masusing quality check sa bawat ePhilID bago ito maging available para ma-download. Abangan ang text mula sa PSA kung maaari ka nang mag-download ng iyong ePhilID.
#IDNatin ‘to!