Skip to main content

INAGURASYON NG IKA-SAMPUNG LIDERATO SA MUNISIPYO NG CULION, PINASINAYAAN!

TINGNAN: INAGURASYON NG IKA-SAMPUNG LIDERATO SA MUNISIPYO NG CULION, PINASINAYAAN!
July 1, 2022, pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng ating bayan. Sa pangungunga ng kagalang-galang na Incumbent Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera at ang ating Vice-Mayor Hon. Alister S. Leyson kasama ang walong Konsehal na sina Hon. Felford G. Solas, Hon. Ronald H. Alcantara, Hon. Cecilia C. Cunanan, Hon. Warnell F. Dayandante, Hon. Ystan Joseph Aristotle G. Lagrosa, Hon. Eduardo B. Montenegro Jr., Hon. Jovel Marvie A. Ballesca, Hon. Alejandro G. Astor na malugod na tinanggap ang tungkuling paglingkuran muli nang walang pag-aalinlangan ang lahat ng mamamayan ng Culion.
ilan sa mga nabanggit na programang na bibigyan priyoridad ni Mayor V sa kanyang ikatlong termino ay patungkol sa mga proyektong maghahatid ng pang matagalang solusyon, tulad ng problema sa tubig na kung saan bubuuhin ang “Task Force Tubig” na siyang tututok upang maihain ang epektibong kasagutan sa suliranin ito. Mas lalong papalakasin ang suporta sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng school shuttle bus sa mga mag-aaral na mula sa malalayong barangay papasok sa kanilang eskwelahan, gayundin ang pagbibigay ng karagdagang tulong pinansyal para sa mga send-off scholars mula sa 2,500 na magiging 5,000 bawat semestre. Sa sektor ng kalusugan, maglalaan ng sariling pondo ang Lokal na Pamahalaan upang matulungan ang mga kababayan nating na-oospital, gayundin ang pagkakaroon ng “Bahay Tuluyan” upang mabigyan ng masisilungan ang mga kababayan nating nasa malalayong barangay na walang matirahan pag mayroong kaanak na nagpapagamot. Pabahay para sa mga pamilyang walang sapat na kakayahan makapagpatayo ng sariling tahanan na makakapagbigay ng maayos na estado sa buhay. Sa kanyang pagtatapos, binigyang diin ni Mayor V na ang Programang Malasakit ay magpapatuloy lalo’t higit sa ating mga kapatid na IP.
Sa tiwala na binigay ng taong bayan, silang lahat lalo-lalong na si Mayor V ay laging handang magsilbi para sa tuloy-tuloy na pag abante ng ating bayan.
#inagurasyon2022
#MayorV
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan