Skip to main content

Inatasan ni Mayor V ang ating Municipal Administrator sa araw na ito na makipagugnayan sa Culion Water District

Inatasan ni Mayor V ang ating Municipal Administrator sa araw na ito na makipagugnayan sa Culion Water District upang maunawaan ang kasulukuyang sitwasyon sa kakulangan ng tubig sa Poblacion.

Inilatag ng CWD ang kanilang stratehiya sa pagbibigay ng tubig sa mga barangay sa Poblacion. Makikita sa baba nito ang schedule ng pagbibigay ng tubig sa bawat lugar. Inaasahan na ang bawat kabahayan ay magimpok ng mas maraming tubig na konsumo nito sa loob ng dalawang araw para sa mga areas na “alternate days” ang water rationing schedule.

Sa nasabing pagpupulong ay napagusapan din ang posibleng solusyon na pangmatagalan.

Maari ding makipagugnayan sa CWD Hotline 09163530935.

Maraming Salamat po sa kooperasyon ng bawat isa. Abante Culion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan